Mga tao sa Room 2207 sa Dacera case tukoy na ng NBI

Mga tao sa Room 2207 sa Dacera case tukoy na ng NBI

January 10, 2021 @ 10:28 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tao na nasa Room 2207 na pinuntahan din ni Christine Dacera bago matagpuang patay sa isang hotel sa Makati City.
“We are also asking the persons of interest to come forward and cooperate,” ani NBI spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin.
Hindi naman pinangalanan ng NBI ang 11 personalidad na nasa Room 2207.
Nitong Lunes, 11 katao ang pinadalhan ng NBI ng subpoena na inaasahang pupunta sa tanggapan nito upang magbigay ng testimonya.
“Kung gusto niyong makipag tulungan sa NBI, meron kayong kaalam, you want to clear your names, you can come here with your lawyers. We rest assure you that we will handle the investigation as professionally as we could get,” giit ni Lavin.
Ito ay batay sa salaysay ng mga kasama ni Dacera sa Room 2209.
Anila, pinakilala sila sa mga nasa Room 2207 ng isa nitong kaibigan.
Samantala, nasa General Santos City na ang grupo ng forensic ng NBI upang kumuha ng issue sample at magsagawa ng forensic examination sa labi ni Dacera.
Habang nakatakdang ilabas ang resulta ng crime scene investigation sa City Grand Hotel sa susunod na linggo.
“We rest assure the public that the investigation of the NBI is to really know the truth. Ano ba talaga ang nangyari doon? Kung, if this will result to criminal prosecution, basta may ebidensya kami, then so be it,” dagdag ni Lavin. RNT/ELM

  •  
  •  
  •  

Loading...