Mga taong maaga naglalagay ng Christmas decor, MAS MASAYA – expert

Mga taong maaga naglalagay ng Christmas decor, MAS MASAYA – expert

November 5, 2018 @ 9:34 AM 3 years ago


 

Manila, Philippines – Pagsapit ng Ber months, unti-unti nang napupuno ang bawat tahanan ng simbolo ng Pasko, nariyan ang Christimas lights, medyas para kay Santa, mga regalo sa ilalim ng Christmas tree at marami pang iba.

Mayroong mga nagsasabi na “excited” lamang ang mga nauunang mag-decorate ngunit ang sabi ng siyensiya, ito ay sinyales lamang na ang mga taong maagang isinasapuso ang pasko ay mas masayahin sa buhay.

Ayon sa psychoanalyst na si Steve McKeown, kahit maraming rason kung bakit maagang naglalagay ng dekorasyong pampasko ang mga tao, ang nangungunang rason dito ay upang buhayin ang magic ng Pasko at para na rin makalimot sa nakaraan.

“In a world full of stress and anxiety people like to associate to things that make them happy and Christmas decorations evoke those strong feelings of the childhood.”

Ayon pa kay McKeown, ang mga dekorasyon ay isa lamang tulay upang maibalik ang pagkabata ng isang tao at buhayin muli ang “magical emotions of excitement”. Kaya’t sa pamamagitan ng pagtatayo ng Christmas tree at pagde-decorate, napahahaba nito ang excitement ng bawat isa.

Para naman sa mga taong naglalagay ng mga pailaw o Christmas lights sa labas ng kani-kanilang bahay, ayon kay McKeown, ang mga ito ay palakaibigan at “cohesive” kumpara sa kanilang mga kpitbahay.

Ang mga maiilaw na dekorasyon ay nagpapaalala sa mga tao ng kanilang pagkabata na walang iniisip na responsibilidad.

Bukod pa rito, nabubuhay rin ng Pasko ang mga alaala ng mga taong namayapa.

“It may be a bittersweet feeling. Perhaps the holidays serve as a reminder of when a loved one was still alive. Or maybe looking at a Christmas tree reminds someone of what life was like when they still believed in Santa,” ayon kay McKeown.

Sa pamamagitan ng mga dekorasyon, mas nagbibigay ito ng panahon para maalala ang mga namayapa na at nagdudulot din ng kalmadong pakiramdam./Remate News Team