Mga tapat na empleyado ng Makati LGU kinilala

Mga tapat na empleyado ng Makati LGU kinilala

December 16, 2022 @ 3:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – 26 na indibidwal na tapat sa kanilang tungkulin at 102 mga retiradong empleyado ng Makati City Hall ang kinilala ng lokal na pamahalan kasabay ng pagkakaloob sa mga ito ng rekognisyon at gantimpala bunsod ng kanilang walang humpay na pagbibigay serbisyo publiko sa mga residente ng lungsod.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na ang 26 loyal na empleyado ng lungsod ay ang mga nakapagbigay serbisyo sa lokal na pamahalaan sa loob ng tatlong dekada habang ang Loyalty Service Award naman ay ipinagkaloob sa mga empleyadong tuloy-tuloy na nakapagbigay serbisyo sa publiko ng sampung taon.

Ayon kay Binay, ang pamamahagi ng award sa mga nakapagtrabaho ng matagal sa lokal na pamahalaan ay isang pamamaraan ng kanilang pagpapakita ng suporta sa mga empleyadong tapat at may dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Bukod pa ng pagkilala sa mga awardees na napagkalooban ng certificate of recognition at commemorative pin ay tumanggap din ng cash ang mga ito depende sa tagal ng kanilang pagtatrabaho sa lokal na pamahalaan.

Sa mga empleyadong umabot ng 40-taon ang pagbibigay serbisyo ay may napagkalooban din ang mga ito ng P35,000 habang P25,000 naman ang natanggap ng mga empleyadong nakapagtrabaho ng 30-taon samantalang patuloy pa ring makatatanggap ang mga empleyado ng P5,000 kada limang taon habang nasa serbisyo ang mga ito.

Kinilala ni Makati City Human Resource Development Office (HRDO) ang siyam na empleyado na nagmula sa iba’t-ibang departamento na umabot ng 40-taon ang kanilang sebisyo publiko na sina Arlyn Ebag Dulay, Public Safety Department (PSD); Aurelia Bonifacio Albarracin, Business Permits Office; Corazon Musni Yabut, Makati Health Department (MHD); Elizabeth Escober Salusa, MHD; Fernando Elviña Bello, Department of Engineering and Public Works (DEPW); Gertrudes Baleares Cariasa, Education Department; Mercedita Catalan Isidro, General Services Department (GSD); Myrna Casta Del Rosario, MHD; at Nelson Molina Diego, Budget Department.

Labingpitong empleyado naman ang kinilala dahil sa kanilang 30 taon na pagtatrabaho sa lokal na pamahalaan na sina Aida Plata Rustia, Law Department; Clarita Ebang Balicnang, PSD; Digna Laruscain Condes, Ospital ng Makati; Eliza Certeza Aderes, Economic Enterprise Management Office; Elsa Alforja Tan, Urban Development Department; Felimelda Plana Ostonal, Makati Social Welfare Department; Flordeliza Noprada Silva, Accounting Department; Juliet Gaa Del Mundo, Finance Department; Lito Cagurungan Tumaliuan, DEPW; Lydia Macale Ariones, Makati Action Center; Marissa Dela Peña Maniego, Assessment Department; Rossana Nonato Baldon, HRDO; Shamin Dela Cruz Diaz, Office of the Vice Mayor; Sonia Ibay Suarez, GSD; Teodoro Soledad Manalo Jr., Department of Environmental Services; Windelina Reyes Omar, Youth and Sports Development Department; at Zenaida Gerodias Cayabyab, MHD.

Kasabay nito ay kinilala din ni Binay ang 102 ang nagretirong mga empleyado na kanya ring pinuri dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho sa loob ng mga nakaraang taon gayundin sa kanilang pagiging bahagi ng kasaysayan ng lungsod. James I. Catapusan