Mga tinamaan ng ‘long COVID’ mag-ehersisyo- DOH

Mga tinamaan ng ‘long COVID’ mag-ehersisyo- DOH

January 15, 2022 @ 2:34 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na ang mga may long COVID o post-COVID syndrome na mga tinamaan ng severe o moderate coronavirus disease (COVID-19), ay makatutulong sa kanila na magsagawa ng mental at gentle physical exercises.

“Hindi lahat ng nagka-COVID ay magkakaroon ng post-COVID syndrome. Nangyayari ito sa severe at moderate cases,” ani DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega sa dzBB.

Ayon sa World Health Organization (WHO) noong Oktubre, karaniwang gumagaling sa COVID-19 ang isang indibidwal sa loob ng dalawa hanggang anim na linggo. Subalit para sa ilan, maaaring magtagal ang mga sintimas nang hanggang ilang linggo o buwan matapos mawala ng impeksyon, na tinatawag na post-COVID o long COVID.

“Napansin ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa worldwide na mga 14% na severe at critical cases nagkakaroon talaga ng ganoong klaseng post-COVID syndrome,” pahayag pa niya.

“Pero meron talaga ng mga porsyento na nagkaroon ng moderate or severe case na medyo mabagal ang pagbalik mo [sa trabaho] dahil nagkaroon ka ng exercise intolerance. Parating pagod, nanghihina, at pangalawa, nagkakaroon ka ng… mahirap ang cognitive functions mo. ‘Yung brain mo ano, mahirap ka sa concentration at sa memory. Mga 10 to 14% lang naman sa mga nagkaka-COVID,” paliwanag ni Vega.

Pinayuhan naman ni Vega ang mga may long COVID na magsagawa ng simplenh ehersisyo kagaya ng paglalakad.

“Konting exercises, maglakad-lakad. Tama ang tulog, proper medication,” aniya.

“‘Pag ginagawa mo naman ang physical exercise, wasto ang pagkain mo, unti-unti namang babalik ‘yan… Good rest, good sleep, good nutrition, and vitamins. Wala talagang gamot ang post-COVID. Patience lang,” patuloy ng DOH official.