Mga tindero ng pekeng produkto sa Greenhills mas kumupal – USTR

Mga tindero ng pekeng produkto sa Greenhills mas kumupal – USTR

February 20, 2022 @ 8:20 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Ibinunyag ng Office of the United States Trade Representative (USTR) na naging “mas matapang” sa paglalako ng kanilang mga paninda ang mga nagbebenta ng pekeng produkto sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City.

Ayon sa USTR’s 2021 Review of Notorious Markets for Counterfeiting and Piracy, maraming storefront sa shopping complex ang nagbebenta ng mga pekeng produkto mula sa electronics at relo, sa mga pabango, sapatos at iba pang fashion item.

Sa kabila ng pagsisikap ng pambansa at lokal na pamahalaan at sa paglikha ng isang working group na binubuo ng iba’t ibang ahensya mula sa National Committee on Intellectual Property Rights at Department of Information and Communications Technology, sinabi ng USTR na ang mga nagbebenta sa Greenhills ay naging mas kumpyansa pang magbenta ng mga pirated na produkto.

“Sellers of counterfeit goods are reportedly becoming bolder in displaying and openly discussing the illicit nature of the counterfeit goods, instead of discreetly hiding the counterfeit goods under the tables as they did in the past,” ang sabi ng ulat.

Sa kabilang banda, kinilala pa rin ng USTR ang gobyerno ng Pilipinas na gumagawa ng ilang mga hakbang upang matugunan ang kalakalan ng mga pekeng kalakal sa bansa.

Kabilang na rito ang paglagda ng Pilipinas sa ilang mga kasunduan sa iba’t ibang mga institusyon tulad ng International Trademark Association at Asia Video Industry Association.

“The Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) signed several Memorandums of Understanding (MOU) in 2021 to combat the global trade in counterfeit goods and online piracy,” anang USTR.

“IPOPHL’s MOU with the International Trademark Association helps to fight against counterfeiting by improving the capacities of trademark examiners, customs, and enforcement authorities, as well as building public awareness of the dangers of counterfeit goods,” saad pa sa ulat.

“IPOPHL’s MOU with the Asia Video Industry Association improves collaboration between the two organizations to reduce online piracy, including the development of mechanisms and channels for sharing information, the development of piracy monitoring processes, and increasing the expertise and technical knowledge of local authorities,” aniya.

Ang IPOPHL ay pumirma din ng isang MOU kasama ang mga may-ari ng brand at mga platform ng e-commerce tulad ng Lazada at Shopee upang magtatag ng isang notice-and-takedown procedure at isang feedback mechanism. RNT