Mga tiwaling opisyal ng NAIA, pakakainin ng bala

Mga tiwaling opisyal ng NAIA, pakakainin ng bala

June 17, 2018 @ 10:00 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na pakakainin ng bala ang mga mapapatunayang tiwaling opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang paalala ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, kasunod ng pinakahuling insidente ng tanim-bala sa paliparan.

Ayon sa kanya seryoso ang pangulo dito at binibigyan lang niya ang ahensiya ng 24 na oras para magsumite ng komprehensibong ulat sa panibagong kaso ng tanim-bala.

Pinasasalamatan din aniya ng pamahalaan ang publiko sa pagiging vigilant at maagap kontra sa tanim-bala scheme sa paliparan.

Giit ni Go, maganda na maging mapagmatyag ang publiko para maiwasan na ang anomalya sa tanim-bala na malinaw na modus ng pangingikil. (Remate News Team)