Mga tomador at barbelista “penitensya” hanggang Biyernes Santo sa Valenzuela

Mga tomador at barbelista “penitensya” hanggang Biyernes Santo sa Valenzuela

March 16, 2021 @ 7:04 AM 1 year ago


VALENZUELA City – Maghihintay pa ng Biyernes Santo ang mga lasenggero sa lungsod bago muling makatoma, matapos na muling ipatupad ang liquor ban sa lungsod.

Sa inilabas na kautusan ng Pamahalaang Lungsod, nakasaad na simula 12 am ng Marso 16 hanggang 11:59 pm ng Abril 1 ang bisa ng nasabing ban.

Ipinagbabawal sa ilalim ng kautusan ang pagbebenta, pagbili, pagbibyahe at pag-inom ng alak sa siyudad.

Sa mga nasabi ring petsa ay hindi rin papayagang magbukas sa Valenzuela ang mga gym o fitness studios, massage parlors at spa.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod, ang mga nasabing hakbang ay bahagi ng pag-iingat kaugnay ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19. Merly Iral