Mga tsuper ng jeep, pwede nang maningil ng P9.00

Mga tsuper ng jeep, pwede nang maningil ng P9.00

July 5, 2018 @ 4:31 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pwede nang maningil ng P9.00 na pamasahe ang mga tsuper ng pampublikong jeepney.

REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG

Ito’y matapos na pormal na ilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang opisyal na kopya ng kautusan ng provisional one peso fare increase para sa unang apat na kilometro.

Matatandaan kahapon ay hindi pa muna pwedeng simulan ang paniningil nito sa kabila ng pag-apruba ng LTFRB dahil kailangan munang hintayin ang ilalabas nilang opisyal na kopya.

Sa kabila naman nito, sinabi rin ng LTFRB na hindi na tatalakayin pa ang hirit na 2 pesos na increase ng limang transport groups.

Ikinatuwa naman ito ng Liga ng Tranportasyon at Opereytor sa Pilipinas o LTOP.

Ayon kay LTOP President Lando Marquez, malaking ayuda na ang pisong dagdag sa isang tsuper at operator para makatulong sa mataas na presyo ng krudo at bilihin.

Maliban sa jeepney, humihirit na rin ng taas-pasahe ang mga pampamasaherong bus, UV express at maging ang TNVS. (Remate News Team)