Mga tungkulin ng NTF ipinasa na sa NDRRMC

Mga tungkulin ng NTF ipinasa na sa NDRRMC

July 21, 2022 @ 9:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ipinapasa na nito ang mga tungkulin nito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“To streamline the government’s pandemic response, the duties of the NTF will now be transferred to the NDRRMC,” anang NTF.

Idinagdag nito na ang lahat ng mga katanungan hinggil sa NTF ay dapat idirekta sa NDRRMC habang ang mga katanungan tungkol sa programa ng pagbabakuna ay dapat na matugunan sa Department of Health (DOH).

“We will now be terminating this group (Media NTF COVID-19 and endorse you to the Office of Civil Defense’s Viber community. You can join the community by clicking this link: https://invite.viber.com/?g2=AQBrU3iWirrWE0x2XPQj%2BOW1TbpzIAF%2BgqVXMGvFUDmotWpVeZyo%2FUQStAZUFskO,” dagdag pa sa anunsyo ng NTF.

Nagpasalamat din ito sa media sa tulong nito sa pagpapalaganap ng COVID-19 pandemic response ng gobyerno.

“In the past two years, you have been a reliable partner in the government’s Covid-19 pandemic response. With your help, we have reached millions of Filipinos to amplify the importance of minimum public health standards and the national vaccination program.”

Umaasa rin ang task force na patuloy na suportahan ng media ang laban ng gobyerno laban sa pandemya sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maaasahang impormasyon. RNT