Mga turistang Chinese welcome sa bansa – DOT

Mga turistang Chinese welcome sa bansa – DOT

October 13, 2022 @ 8:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Malugod na tatanggapin ng bansa ang pagbabalik ng mga turistang Chinese sa oras na magbukas na ang border ng China sa outbound leisure travel.

Ito ang ipinahayag ng Department of Tourism nitong Miyerkules, Oktubre 13 isang araw makalipas na linawin ng Chinese Embassy na ang bansa ay wala sa blacklist ng tourist destinations ng kanilang mamamayan dahil sa offshore gaming operations.

“Currently, China has not yet reopened its borders to outbound leisure travel of its own nationals, cognizant of its present outbound restriction to its citizens; thus, registering only 17,454 visitors to the Philippines in 2020; 6,615 in 2021; and 23,482 in 2022,” ani DOT Secretary Christina Frasco

Bago ang pandemya dulot ng COVID-19, ikalawa ang China sa pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista sa bansa sunod sa South Korea.

Nitong 2019 lamang ay mayroong 1,743,309 Chinese tourist ang dumalaw sa Pilipinas.

“Needless to say, these numbers reverberate the cordial relationship that exists between the Chinese people and the Philippines, particularly on the aspect of tourism,” sinabi ni Frasco.

“As the Department of Tourism continues to work on supporting the Marcos administration’s objective of improving the enabling mechanisms for tourism in the country, we look forward with optimism to the resumption of Chinese leisure travel to our Philippine destinations,” dagdag pa niya.

Kahapon, maaalalang sinabi rin ng Malakanyang na umaasa ang pamahalaan ng patuloy na tourism ties ng Pilipinas sa China. RNT/JGC