Mga tutuntong sa 15-anyos bago mag-Disyembre 5 pwedeng magparehistro sa SK

Mga tutuntong sa 15-anyos bago mag-Disyembre 5 pwedeng magparehistro sa SK

July 16, 2022 @ 11:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga tutuntong ng 15 taon bago sumapit o sa mismong Disyembre 5, 2022 ay kwalipikadong magparehistro bilang Sangguniang Kabataan voters.

“Not yet 15 years old during the voter registration period? But if you will be 15 y. o. on or before December 5, 2022, you are qualified to register as an SK voter,” ayon sa Facebook post ng Comelec.

Batay sa Resolution No. 10798, sinabi ng poll body na ang mga aplikante bilang SK voters ay kinakailanganag Filipino citizens, at hindi bababa sa 15-anyos subalit hindi higit sa 30 taon sa araw ng eleksyon, at naninirahan sa barangay sa nakalipas na anim ba buwan sa Dec. 5, 2022 o bago sumapit ito.

“Any person, who has not reached the required voting age or period of residence on the day of registration but will possess such qualifications on or before the Dec. 5, 2022 Elections, may register as a voter,” anito. RNT/SA