Mga umuusbong na sakit tututukan ng DOH

Mga umuusbong na sakit tututukan ng DOH

September 5, 2022 @ 6:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatutok ang Department of Health (DOH) sa anumang mga bagong sakit na bagong sumibol o lumabas.

Ito ang pagtitiyak ng ahensya kasabay ng pahayag ni DOH-OIC Usec. Maria Rosario Vergiere na mayroong platform kung saan dito nalalaman ang mga bagong diskubreng sakit o mga sakit na muling lumalabas.

Ayon kay Vergeire, ito ang International Health Regulation (IHR).

Ang platform na ito aniya ay nagkakaroon ng constant constant coordination ang iba’t ibang mga bansa hinggil sa iba’t ibang sakit na namomonitor sa buong mundo, gaya na lamang ng cluster of pnuemonia na namonitor sa Argentina.

Ayon kay Vergeire, may kapasidad ang research institute of tropical medicine o RITM na imonitor ang naturang sakit na pinaghihinalaang legionaires disease. Jocelyn Tabangcura-Domenden