Block time deals ng broadcast networks, rerebyuhin ng NTC

June 30, 2022 @9:33 AM
Views:
8
MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng television at radio companies na magsumite ng kanilang block time deals para sa ‘approval’ ng ahensiya.
Nakasaad sa memorandum na ipinalabas ng NTC na may petsang Hunyo 23, ang mga block time deals ay hindi dapat na mahigit sa 50% ng daily airtime broadcast ng radio o television station.
“Authorized radio and television broadcast entities, its management and board of directors shall be solidary liable with the block timer for any violation committed by the block timer arising from the content or programs under the block time agreements,” ang nakasaad sa memorandum ng NTC.
Kontra naman ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa nasabing direktiba.
“We believe it is the station’s prerogative to choose the type of programs they will adopt whether it is station produced, co-produced with another party or [throgh] blocktime with 3rd party. We believe NTC has no jurisdiction over content,” ayon kay KBP President Herman Basbano sa isnag kalatas.
“Our position should have been heard before the issuance of this order on blocktime. Nonetheless [we] will present our opposition and our position in the NTC hearing [which] was reportedly scheduled on July 11,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, ang dating media giant ABS-CBN, na nawalan ng kanilang operating franchise noong 2020, pumasok sa block time agreements sa Zoe Broadcasting Network at TV5 para i-ere ang kanilang mga palabas sa “free television.” Kris Jose
VP Sara byaheng US para sa UN event on education

June 30, 2022 @9:20 AM
Views:
15
MANILA, Philippines – Lilipad patungong Estados Unidos si Vice President-elect Sara Duterte matapos imbitahan na dumalo sa isang education-related side event ng United Nations (UN) bago pa ang general assembly nito sa Setyembre.
Looking forward naman si Duterte na bisitahin ang Amerika ngayong taon.
“Very, very articulate si vice president in telling the second gentleman (US Second Gentleman Douglas Emhoff) and his party that the relationship is really good and strong and that she looks forward to going to the United States some time this year,” ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Romualdez sa mga mamamahayag matapos na makipagkita ang mga delagado mula sa Estados Unidos kay Duterte, araw ng Miyerkules.
“VP Sara was invited for a side event of the United Nations, something to do with education,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, itinalaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Duterte na pamunuan ang Department of Education.
“The said event will take place ahead of the UN General Assembly in New York on September 20,” ayon kay Romualdez.
“She’ll be there before the assembly…before September 20th,” aniya pa rin. Kris Jose
P300M jackpot sa lotto!

June 30, 2022 @9:05 AM
Views:
15
MANILA, Philippines – Wala pa ring maswerteng nakatutumbok ng anim na numero sa Grand Lotto 6/55 draw kaya umabot na sa higit P300,000,000 ang jackpot prize rito.
Sa bola nitong Miyerkoles ng gabi, walang nakahula sa winning number combination na 07-09-51-02-24-39, kung saan nasa P298,452,472. ang premyo.
Sa Sabado, Hulyo 2, ang susunod na draw sa Grand Lotto 6/55.
Samantala wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na may premyong P8,910,000.00.
Ang mga lumabas na numero ay 39-10-07-42-36-22. RNT
Bebot tumanggi sa kasal pinatay sa sakal

June 30, 2022 @8:52 AM
Views:
21
DAVAO CITY – Sinakal hanggang sa mamatay ang 30-anyos na babae matapos na hindi ituloy ang kasal sa kanyang kinakasama.
Kinilala ang suspek na si Maliry Bitil Gumanan, 35-anyos, residente ng bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur.
Lumabas sa imbestigasyon ng Davao Police Office na natagpuang patay ang biktimang si Joan Balabagan Lintang sa loob ng rest room sa isang inn sa kahabaan ng C.M. Recto sa Barangay 35-D noong Hunyo 26.
Sinabi ng mga awtoridad na nag-check-in ang mag-asawa sa inn bandang alas-12 ng tanghali. Gayunpaman, nagkaroon sila ng away matapos na ipagpaliban ng biktima ang kanilang kasal.
Sinakal ni Gumanan si Lintang hanggang sa mamatay pagkatapos ay itinago ang katawan ng biktima sa loob ng rest room bago tumakas sa pinangyarihan ng krimen.
Dahil sa konsensya, sumuko ang suspek sa Magsaysay Municipal Police Station (MMPS).
Kalaunan ay ipinaalam ng MPPS sa San Pedro Police Station sa Davao City ang insidente.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya si Gumanan at nahaharap sa kasong homicide. RNT
Ressa umapela kay PBBM: ‘Di niyo kami kaaway

June 30, 2022 @8:39 AM
Views:
25