Mga wagi sa Halalan 2022 binati ni PRRD; mga bigo pinasalamatan

Mga wagi sa Halalan 2022 binati ni PRRD; mga bigo pinasalamatan

May 12, 2022 @ 11:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga nanalong kandidato sa katatapos lamang na 2022 national at local elections.

“I am hopeful that he will serve the Filipino people with all your heart and ability and prioritize the welfare of the general public above everything,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang mga kandidatong nabigo na maka-secure ng upuan para sa kanilang partisipasyon sa electoral process.

“You may not have won this time, but I hope that you will continue to serve our people in your capacity as leaders in your respective sectors and communities,” dagag niya.

Inilarawan naman ni Pangulong Duterte, nakatakdang bumaba sa Hunyo 30, 2022, na “generally peaceful” ang katatapos lamang na halalan sa bansa. Kris Jose