MGCQ ‘di nangangahulugan ng pagbababa ng health protocols – Lopez

MGCQ ‘di nangangahulugan ng pagbababa ng health protocols – Lopez

September 24, 2020 @ 5:54 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanindigan si Trade Secretary Ramon Lopez na hindi nangangahulugang ibababa na ang health protocol kasabay ng pagsasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ng mas maraming bahagi ng bansa.

“Narining n’yo siguro napalutang natin ‘yung pag-move sa modified GCQ. When we proposed that, hindi po ibig sabihin ng modified GCQ na hindi na tayo mag-iingat, tatanggalin na natin ang health protocol. On the contrary, we’ll be more strict, mayroon na tayong health protocol,” punto ni Lopez.

Sa ulat, ang buong bansa ay nasa MGCQ na bukod sa Metro Manila, Bacolod, Tacloban, Bulacan at Batangas which are under a general community quarantine (GCQ) habang ang Iligan ay nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) naman hanggang September 30.

“Maaari po natin i-push ang mas magaan na community quarantine, subalit ang importante po ay may self-discipline at self-regulation ang buong bayan para talagang bumaba pa rin ang transmission kahit modified GCQ, that will allow us to open more sectors in the economy,” paliwanag pa ni Lopez. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...