Mhack Morales, naeelya kay Ivana!

Mhack Morales, naeelya kay Ivana!

January 13, 2021 @ 12:17 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Aminado ang sexy actor na si Mhack Morales na naeelya siya sa sexy actress at YouTuber na si Ivana Alawi.

“Iba po kasi ang ganda ni Ivana. Flawless ang beauty at ang legs, ang kinis,” bulalas ni Mhack.

Aware rin ang isa sa mga bida ng “Anak ng Macho Dancer” na maraming barako at kalalakihan ang nagpapantasya kay Ivana.

“Hanga rin po ako sa kanya dahil mapagmahal siya sa kanyang pamilya. Nabalitaan ko nga po na ibinili niya ang kanyang mommy ng kotse. Sobra rin siyang mapagmahal sa kapatid dahil ibinili niya ng property iyong brother niya,”kuwento ni Mhack.

Bukod sa alindog ni Ivana, nate-turn on din si Mhack sa pagiging mabait at mapagmahal ng bagong calendar girl ng nakalalasing na alak.

Ngayong sumabak na siya sa pag-arte, pangarap daw niya itong makatrabaho.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto ni Mhack na magkaroon ng collaboration kay Ivana lalo na’t madalas ay trending ang videos nito sa kanyang vlog.

Wala namang takot na naghubad si Mhack sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer” kung saan ipinakita niya ang kanyang galing hindi lang sa paggiling kundi sa pag-arte.

Hindi rin big deal kay Mhack kung malinya siya sa pelikulang may temang sexy. Archie Liao


  •  
  •  
  •  

Loading...