Manila, Philippines – Nag-anunsyo si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na maari nang kunin ng mga Overseas Filipino Workers ang kanilang refund sa kanilang Terminal fee service charge ticket na dating sinisingil ng mga airline company sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon kay Monreal, ipapakita lamang ang gamit na ticket at makikita doon ang locator code at magdala ng valid ID boarding pass at passport para mai-refund ang binayarang dees.
Pinayuhan ni GM Monreal na maaring magtungo sa MIAA administration Bldg. sa ground floor mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon maliban kung holiday ang sinumang pasahero na nakuhanan ng terminal fee bago bumiyahe noong panahong 2012 hanggang sa ngayon.
Maaalalang Marso 15, 2017 ay lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang pamunuan ng MIAA sa pagitan ng mga airline company para tanggalin ang sinisingil na terminal fee na 550 pesos sa lahat na mga OFW na ipinatupad din nang taong 2017.
Isinama kasi ng mga airline company ang passenger service charge (PSC) terminal fee sa mga airline ticket para sa mga domestic flight noong August 1 2012, habang ang terminal fee para sa International flight naman ay noong taong 2015.
Sa ilalim ng MOA at implementing guidelines sa pagitan ng MIAA at mga airline company sa usapin ng PSC integration project, ang mga airline company ay inatasan na ibalik sa mga pasahero ang kanilang nakolektang terminal fees. (dave baluyot)