MIAA muling nanawagang sumunod sa health protocol

MIAA muling nanawagang sumunod sa health protocol

March 13, 2021 @ 1:15 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Hiniling ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa government officials at mga empleyadong nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pagtuunan ng pansin ang mas mahigpit na health protocols laban sa lumolobong kaso ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) partikular na sa Metro Manila.

Paalala ni MIAA general Manager Ed Monreal, ang bawat personnel ay dapat magsuot ng face mask at face shields tuwing papasok ng airport facility maging ang paghuhugas ng kamay at paggamit ng Traze na contact tracing para sa lahat ng papasok sa lugar.

Humingi naman na ng tulong ang MIAA sa Bureau of Quarantine sa pagdetermina kung anong klaseng PPE ang tama para sa kanilang mga empleyado.

“We want to make sure that they have the right kind of protection as the nature of their jobs would require.” RNT/FGDC