MIAA nag-isyu ng lightning red alert; NAIA flight at ground ops pansamantalang itinigil

MIAA nag-isyu ng lightning red alert; NAIA flight at ground ops pansamantalang itinigil

November 5, 2022 @ 4:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng lightning red alert nitong Sabado ng hapon sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Inisyu ng  MIAA Airport Ground Operations and Safety Division (AGOSD) ang lightning red alert kaninang alas-2:16 ng hapon.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang flight at ground operations sa Ninoy Aquino International Airport.

Base sa MIAA, ang pagpapalabas ng alert ay isinasagawa “to prevent an untoward incident from happening when lightnings are prevalent in the immediate area and may endanger personnel, passengers, and even flight operations.” RNT/SA