MIAA: Walang naganap na tanim-bala

MIAA: Walang naganap na tanim-bala

June 18, 2018 @ 10:19 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na mayroon nang bala sa kanyang bagahe ang babaeng sinasabing biktima ng ‘tanim-bala’ bago pa man ito pumasok ng airport.

Kasunod ito ng nag-viral na video ng pasaherong si Kristine Bumanlag-Moran na sinasabing biktima umano ng tanim-bala noong Biyernes.

“Nung ipinasok ho nung pasahero sa x-ray, may nakita na ho talagang parang bala dun sa bagahe. Kaya ho nagkaroon ng manual search,” kwento ni Monreal sa isang interview.

Paliwanag pa ni Monreal, walang pangingikil ang naganap o tanim-bala na modus dahil, kinumpiska lang ang bala sa kanyang bagahe at wala namang ipinataw na kaso.

“Nakaalis ‘yung pasahero on that very day of the flight,” dagdag ni Monreal.

Muling nilinaw ng general managter na ang tanim-bala ay kapag pinigilan kang makaalis dahil nahulihan ka ng bala.

“‘Yun ang nangyari rin po two days ago. So wala hong sinasabing tanim-bala,” sinabi pa nito.

Kaninang umaga ay naglabas din ng statement ang Department of Transportation (DOTr) kung saan ikinwento ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. (Remate News Team)