Miami, ‘willing to wait’ kay Wade

Miami, ‘willing to wait’ kay Wade

July 28, 2018 @ 10:48 AM 4 years ago


 

NBA – Handang maghintay si Miami Heat President Pat Riley para sa pagbabalik sa kanila ng NBA superstar Dwyane Wade.

Ayon kay Riley, kakausapin niya si Micky Arison, managing general partner para sa future at plano ni Wade.

Dalawang kontrata ang ihahain para kay Wade – $5.3 million exception, o $2.4 million veteran minimum.

“I want him back as a player,” paliwanag ng head ng koponan. “I want him back as a competitor. I want him back as a guy who wants to have the greatest year he ever had as a player. I read more articles about ‘Dwyane being done, he’s lost a step, he’s not the same player, he might not have the same motivation.’ But I still see a player who can contribute heavily if he really wants to.”

Dagdag pa ni Riley, nakausap na nila si Wade at ang agent nitong si Leon Rose pero hindi naman tinumbok kung ano ang detalye ng kanilang pinag-usapan.

Sa ngayon ay hindi pa sigurado si Wade kung maglalaro ito sa 16th NBA season sa 2018-19 pero patuloy pa rin ito sa kanyang on-court workouts.

“I think it’s best that we give him some more time,” ani Riley.

Taong 2016 nang iwan ni Wade ang Miami para sa Chicago pero muling naibalik noong February matapos ang isang season nito sa Cleveland. (Remate News Team)