Michael Buble, inspirasyon ng The Singing Nurse sa Amerika!

Michael Buble, inspirasyon ng The Singing Nurse sa Amerika!

September 4, 2020 @ 8:25 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Ihinahanda na ng tinaguriang Total International Entertainer na si Nick Vera Perez ang kanyang next album. Gustong pagandahin nang todo ni Nick ang naturang album kaya ayaw niyang madaliin ito.

 

 

Pinamagatang NVP1.0: NVP 1s More! (read as NVP once more), nagbigay nang kaunting detalye ang singer na nakabase sa Tate.

 

 

“Naka-timeline ako sa processing ko kaya sa year 2021 na ang labas nito, sometime mid or fall. 

 

 

“Kasi ten songs ang laman nito and we cannot hurry it. Dapat, e, sealed with professionalism ang buong album,” saad niya.

 

 

Ipinahayag din ni Nick na kilala rin bilang ng The Singing Nurse, na lagi siyang excited sa mga bagay na bago.

 

 

“Excited always, kasi the music are rare and not your typical jams. 

 

 

“Everything new is always exciting. Lalo na if your followers are learning the songs too,” pag-explain niya.

 

 

Paano niya ide-describe ang new album?

 

 

“The new album is more of me. What this means to me and to my musicality. 

“The beats and rhythm expanding to a more conceptualized yet relatable themes.

“The songs have flows like everyone will hum and sing along. All new and all fully planned and screened every line,” sambit ni Nick.

 

 

Nabanggit din niya ang inspirations sa album na ito.

 

 

Pakli niya, “Inspirations include Michael Buble, Gary V., Wency Cornejo, Ogie Alcasid, Ariel Rivera…

 

 

“I have a bucket list to fulfill. I’m barely halfway, music wise. But when these two albums (ang third ay ang Christmas album niya) are out in 2021, then I’m halfway.

“Two more after that as part of my plans. I am happy and always will be as we are expecting great songs to inspire people.” Nonie Nicasio


  •  
  •  
  •  

Loading...