Michael V, bagong direktor ng Pepito Manaloto Book 3!

Michael V, bagong direktor ng Pepito Manaloto Book 3!

June 10, 2022 @ 8:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Napapanood na ang Pepito Manaloto, Tuloy Ang Kuwento, Book 3 at ang comedy genius na si Michael V ang naging designated director ng show. Namayapa na kasi ang original director na si Bert De Leon.

Sa pagbabalik sa set ng original cast na kinabibilangan nina Michael V, Manilyn Reynes, John Feir, Ronnie Henares, Jake Vargas, Angel Satsumi, Mosang, Janna Dominguez, Jen Rosendalh, Arthur Solinap at Chariz Solomon, lahat ay nagpahayag ng nag-uumapaw na kaligayahan sa kanilang pagbabalik sa ere.

Parang pamilya ang buong original cast ng Pepito Manaloto.

On the other hand ay malunglot din ang grupo sa pagbabalik taping nila dahil wala na ang director na si Bert. Na-miss ng lahat ang namayapang magaling na director. Halos umiyak ang lahat ‘pag nababanggit ang pangalan nito na si Chariz na hindi makapagsalita habang nagkukuwento sa kabutihan ni Direk Bert.

Nasabi ni Michael V na magiging matrabaho sa kanya ang gagawin niyang tungkulin sa set, bilang actor and director at the same time. Wala na siyang time para makipagtsikahan sa cast after dinner. Tuluy-tuloy ang work niya dahil aayusin pa niya ang blocking sa susunod na eksena.

Masaya si Michael V sa pagbabalik niya sa set ng Pepito Manaloto dahil for almost two years, ang participation niya ay laging remote. Sa mismong bahay lang siya nagti-taping noon. Noel Asinas