Microgrid systems para sa 100% electrification ng Pinas, isinabatas ni PDu30

Microgrid systems para sa 100% electrification ng Pinas, isinabatas ni PDu30

January 25, 2022 @ 9:04 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo  Duterte ang isang batas na magsusulong sa microgrid development sa “unserved and underserved areas” sa buong bansa upang makamit ang hinahangad na 100% electrification sa PIlipinas.

Ang Republic Act 11646 o Microgrid Systems Act ay nilagdaan noong Enero 21, ipinalabas ng Malakanyang ang mga dokumento, araw ng Lunes.

Layon ng batas na “accelerate total electrification and ensure the provision of quality, reliable, and secure electricity service” sa reasonable rates sa mga unserved and underserved areas sa pamamagitan ng pagtatatag ng microgrid systems ng accredited Microgrid Service Providers (MGSPs).

Papayagan ang MGSPs na mag-operate sa kahit saan mang lugar kung saan walang electricity access o ang power connection ay hindi makapagbigay ng 24/7 electricity supply.

Binigyang mandato ng batas ang Department of Energy (DOE) na ideklara ang unserved and underserved areas para sa electrification at service ng MGSPs.

Lumikha rin ito ng streamlined process para sa MGSPs na may malinaw na timelines at mabigat na parusa para sa “bureaucratic red tape and delay.”

Inalis din nito ang requirement na makakkuha ng waivers mula sa distribution utilities para sa MGSPs na mag- provide ng distribution services at connections sa mga end-user at supply electricity sa mga “area concerned.”

Sa ilalim ng batas, “distribution utilities may engage in the business of MGSPs in unserved and underserved areas, provided that a separate account is maintained for such business undertaking.” Kris Jose