Mid-year, health break tapos na; balik-eskwela na sa public schools – DepEd

Mid-year, health break tapos na; balik-eskwela na sa public schools – DepEd

February 7, 2022 @ 2:49 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Balik-eskwela na ang mga nasa pampublikong paaralan ngayong Lunes, Pebrero 7, batay sa Department of Education (DepEd).

Base sa School Year (SY) 2021-2022 Calendar, itinakda ang mid-year break ng mga estudyante sa pampublikong paaralan sa buong bansa mula Pebrero 2 hanggang 5.

Habang ngayong Lunes, Pebrero 7 naman ang simula ng Academic Quarter 3.

Maaalalang nauna na nga ritong ipatupad ang suspensyon ng klase at iba pang aktibidad dahil sa academic at health break. RNT/FGDC