Middle officials, regional officers sa BIR binalasa

Middle officials, regional officers sa BIR binalasa

March 16, 2023 @ 2:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binalasa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga opisyal nito lalo na sa kanilang mga field offices sa buong bansa.

Ito ay upang mapalakas pa ang tax collection at administration programs ng ahensya.

Sa impormasyon, 11 middle level executives ng BIR ang na-promote o nabigyan ng bagong trabaho, habang karamihan sa mga opisyal na ito ay may hawak na sensitive posts sa information systems group (ISG).

Ang reshuffle ng mga opisyal ay merit-based at sakto sa tax filing season.

Kabilang din sa regrouping ang mga natatanging mga empleyado sa kanilang trabaho, at iba pang opisyal ng BIR na nakapasa sa kamakailan lamang na competency examination.

Kabilang sa reshuffle ay ang paglipat ni Raquel Cristina Baltazar, mula sa pagiging OIC-head revenue executive assistant (HREA) ng information systems project management service patungong OIC assistant commissioner ng kaparehong serbisyo; at si Nelly Ibo, mula sa pagiging administrative service concurrent chief ng procurement division patungo sa OIC-HREA administrative service.

Ang iba pang updated na posisyon sa BIR ay ang mga sumusunod:

Marissa Uy mula sa OIC – HREA Large Taxpayers Service Programs and Compliance Group patungong OIC – HREA Large Taxpayers Service Regular Group

Rosario Padilla mula HREA Large Taxpayers Service Regular Group patungong Project Management & Implementation Service

Joe Soriano mula sa pagiging Chief, Regular LT Audit Division III Large Taxpayers Service patungong OIC -HREA Large Taxpayers Service Programs and Compliance Group

Lorna Binarao mula Asst. Regional Director RR No. 2-CAR patungong OIC – Regional Director R No. 3 – Tuguegarao City

Atty. Wilmer Dekit mula Chief, Legal Division RR No. 8B – South NCR patungong OIC Asst. Regional Director RR No. 9A – CaBaMiRo

Rodel Buenaobra mula sa pagiging Revenue District Officer RDO No. 28 – Novaliches RR No. 7A Quezon City patungong OIC -Asst. Regional Director RR No. 1 – Calasiao, Pangasinan

Emilia Combes mula Revenue District Officer RDO No. 45 – Marikina City RR No. 7B- East NCR patungong OIC -Asst. Regional Director RR No. 2 -CAR

Maria Socorro Lozano mula sa pagiging Chief LT Division – Cebu patungong OIC -Asst. Regional Director RR No. 13 -Cebu City

Helen Abellanosa mula Chief, Regional Investigation Division RR No. 16 – Cagayan de Oro City patungong OIC – Asst. Regional Director RR No. 15 – Zamboanga City

Nailipat din ng posisyon ang 45 district officers at division heads batay sa
dalawang travel assignments na pinirmahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.

Nakapagtala din ng paggalaw sa walong opisyal mula sa assessment division.

Layon ng BIR na makakolekta ng P2.599 trilyon na buwis ngayong taon. RNT/JGC