Middleman kakalusin ng DA sa pagpapababa sa presyo ng sibuyas

Middleman kakalusin ng DA sa pagpapababa sa presyo ng sibuyas

January 15, 2023 @ 9:18 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tututukan ng Department of Agriculture ang pag-aalis ng napakaraming layer ng mga traders na dahilan kung bakit mataas ang presyo ng mga bilihin partikular na ang retail prices ng sibuyas.

“Right now, what we are doing is to eliminate certain layers of traders because that will help bring down the price. As we all know, retail price includes the cost of biyahero and the cost of the retailer,” ani Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista.

“At the same time, we are trying to link our farmers directly to the retailers and the markets. Pag mas mura ng kuha ng mga retailers, mas mura ang presyo sa palengke,” dagdag pa niya.

Kasabay nito ay inanunsyo ng opisyal na nananatili sa P400 hanggang P550 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa mga palengke.

Maliban sa pagpapalakas ng ugnayan ng mga nagtatanim o producers nito at mga consumers, sinabi rin ni Evangelista na tinitingnan pa nila kung may iba pang umiipit sa supply chain.

Tinitingnan rin ng ahensya ang papel ng mga kooperatiba ng mga magsasaka na magsisilbing middleman.

“Definitely, this is a direction that we will continue to make. We will minimize middlemen in the transactions to be able to be fair to our primary stakeholders, which is the producers, and also protect the consumers as well,” ani Evangelista.

Kaugnay naman sa isyu ng pag-aangkat ng sibuyas, siniguro ng DA na hindi nito maaapektuhan ang mga lokal na magsasaka.

“If you have noticed, there is a cutoff period for the importation, unlike before. So there are certain parameters that are in place to be able to safeguard also the harvest of local onion farmers,” aniya.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inaprubahan na ng DA ang pag-aangkat ng 21,060 metriko tonelada ng sibuyas. RNT/JGC