MIF suportado ng higit 75% ng mga mambabatas

MIF suportado ng higit 75% ng mga mambabatas

December 14, 2022 @ 5:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 75% ng mga mambabatas ng House of Representatives ang sumusuporta at nagpahayag na maging co-author ng House Bill No. 6608 o panukalang naglalayong bumuo ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang pahayag mula sa opisina ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kung saan hanggang nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 14 ay 246 sa 312 na mga kasalukuyang miyembro ng Kamara ang nagpahayag ng suporta sa panukala.

Kasalukuyang nasa Belgium si Romualdez para sa Asean-EU Commemorative Summit, na binalitaan lamang ni Majority Floor Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose Dalipe na nasa 250 miyembro ng Kamara ang sumusuporta na dito.

“The Majority Floor Leader (Manuel Jose Dalipe) told me that we had over 220 [co-authors], and I think by the time I get back baka umabot na ng (it might reach) 250. So there will be over two-thirds of the House who will be co-authoring because there have been exhaustive briefings,” ani Romualdez.

“As of 1 p.m. Wednesday, the official records in the House showed that the total number of lawmakers who signified their intention to be co-authors of House Bill (HB) No. 6608 seeking to establish the MIF has ballooned to 246,” dagdag pa niya.

Para makapasa sa ikatlong pagbasa, kinakailangan nitong makuha ang mayorya ng boto o mahigit kalahati ng mga mambabatas, o sa pagkakataon na i-veto ng Pangulo ay two-thirds ng boto ang kailangan.

Kung ito ang pagbabasehan, nalampasan na nito ang kailangang boto para maipasa ang HB 6608 sa ikatlong pagbasa.

Nauna nang sinabi ni Romualdez na nais niya sanang ipamadali kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang panukala ngunit hinahayaan na lamang niya kung ano ang desisyon ng Pangulo.

“Well, that’s up to him (President Marcos),” ani Romualdez.

“If you ask me why don’t we just certify it as urgent so if you go to Davos we can just talk about having a sovereign wealth passed through the House of Representatives, and that will be a very, very exciting thing,” dagdag pa niya. RNT/JGC