Migrant deaths ‘di katanggap-tanggap – Pope Francis

Migrant deaths ‘di katanggap-tanggap – Pope Francis

December 3, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi katanggap-tanggap para kay Pope Francis ang pagkamatay ng mga migrante sa Mediterranean.

Ito ang sinabi ng Santo Papa nitong Biyernes, Disyembre 2 na tinawag niyang:
“unacceptable and almost always avoidable,” kasabay ng panawagan sa mga gumagawa ng kautusan sa rehiyon na tugunan ang isyu na magiging kapaki-pakinabang sa lahat.

“The inability to find common solutions [on migration] continues to lead to an unacceptable and almost always avoidable loss of lives, especially in the Mediterranean,” sinabi ni Francis sa kanyang mensahe sa Rome Med 2022, isang foreign policy conference.

Idiniin din ng Santo Papa na hindi mapipigilan ang migration patungong Europa kung kaya’t mainam na maghanap ng solusyon na makatutulong sa lahat.

Ilang taon nang mainit na usapin ang migration sa nasabing kontinente na dahilan para paigtingin pa ng mga bansa ang polisiya nito laban sa mga assylum-seekers mula North Africa at Middle East.

Sa datos ng UN Refugee Agency UNHCR, nasa 136,500 migrants na ang nakarating ng Europa sa pamamagitan ng pagtawid sa Mediterranean sea at mayroong mahigit 1,800 na ang namatay at nawawala dahil dito. RNT/JGC