Migs Almendras, na-TOTGA!

Migs Almendras, na-TOTGA!

May 6, 2022 @ 2:38 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Pagkatapos na magkasama sa BL movie na Unlocked, muling nagbabalik ang tambalang Oliver Aquino at Migs Almendras sa proyektong Memories of a Love Story ni Direk Jay Altarejos.

Ayon kay Migs, nakaka-relate raw siya sa tema ng proyekto tungkol sa pag-ibig na pinaglayo ng agwat o social status sa buhay.

Noong high school daw kasi, nagkaroon siya ng matinding crush sa isang babaeng hindi niya malapitan.

Hindi raw siya nakapag-confide ng kanyang feelings dito dahil natakot siya dala ng kanilang magkaibang estado sa buhay.

Valedictorian daw si girl at siya naman ay walang kotse noon para yayain ang crush na makipag-date.

Kumbaga, naisip na lang niya na na,-TOTGA siya.

Hirit pa niya, siya riin daw iyong tipong kinakalimutan na ang kanyang past para madaling maka-move on.

Related pa rin sa tema ng proyekto,  kung sakali raw na may kabaro siyang best friend na maglaladlad at maghahayag ng pag-ibig sa kanya, hindi raw niya ito huhusgahan.

Hahangaan daw niya ang katapangan nito sa pagiging totoo bagama’t ipaiintindi raw niya rito ang boundaries ng kanilang relationship.

Tampok din sa Memories of a Love Story ang award-winning actress na si Dexter Doria. Archie Liao