Migs, bet paligayahin si Heart!

Migs, bet paligayahin si Heart!

October 7, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Kuwento ng isang babaeng nasadlak sa buhay ng prostitusyon dahil sa kagustuhang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya ang four-part mini series na An/Na na palabas na sa Vivamax.

Sa theoretical question kung handa bang kumapit sa patalim, magbenta ng panandaliang aliw at kalakalin ang kanyang katawan kung sakaling magigipit, ayon kay Migs Almendras, hindi pa raw naman siya dumarating sa puntong ito na naging desperado pagdating sa pananalapi.

Gayunpaman, ayaw daw niyang i-judge ang mga taong willing isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Siguro raw, kung matter of life and death o nag-aagaw buhay ang isa sa miyembro ng pamilya niya at wala siyang pantustos para maisalba ito, baka raw sumagi sa isip niya na gawin ito.

Theoretically, inurirat din siya kung sakaling isa siyang male prostitute, sino raw sa local celebrities ang gusto niyang bigyan ng service o paligayahin?

Wala namang kagatul-gatol na sinabi ni Migs na type niya sina Jennylyn Mercado at Heart Evangelista.

Ani Migs, gandang-ganda raw kasi siya kay Heart at gagawin niya ang lahat para mapaligaya ito.

Katunayan, pagbibiro niya, hindi na rin daw siya magpapabayad dito.

Kung bibigyan naman ng double life, bet daw niyang maranasan ang buhay ng isang espiya.

Si Migs ay kasama sa cast ng An/Na ni Direk Jose Javier Reyes na pinagbibidahan ni 2019 Ms. Earth Philippines Janelle Tee.

Kasama rin sa cast sina Greg Hawkins, Guji Lorenzana, Rob Guinto, Axel Torres, Rolando Inocencio, Fabio Ide, Micaella Raz, Azi Acosta, CJ Jaravata at Clara del Rosario. Archie Liao