Miguel, nagkawanggawa sa bday!

Miguel, nagkawanggawa sa bday!

September 28, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Unlike most celebrities who throw lavish parties on their birthdays, mas piniling magkawanggawa ni Miguel Tanfelix.

Namahagi siya ng mga tote bags sa mga random na tao on the street.

Naglalaman ‘yon ng mga grocery items tulad ng bigas, de lata, kape, instant noodles at maging face mask ay isinama rin sa bag.

Isang rider ang nabahaginan ng bag na ang buong akala’y magpapa-deliver ang aktor ng pagkain.

Sa sobrang touched ng rider, sinaluduhan pa niya ang Kapuso actor.

Isa rin sa mga naabutan ay ang whellchair-bound na matandang nagtitinda ng mga bulaklak.

Binili ni Miguel ang mga tindang bulaklak at iniabot sa mga sampaguita vendor na laking gulat na si Miguel pala ang giver.

Maging ang matandang babaeng nanlilimos ng pamasahe para makauwi sa kanilang bahay ay natulala nang makatanggap ng tote bag.

Ang mga iba pang nakaranas ng acts of charity ni Miguel ay mga security guard, parking attendant at mga tao sa kalye na sa tingin niya’y higit na nangangailangan.

Mapapanood ang kabuuan ng charitable gesture na ‘yon sa latest vlog ng aktor.

Paliwanag ni Miguel, masarap daw sa pakiramdam na kahit paano’y nakapag-abot siya ng konting tulong sa kanyang kapwa.

Magandang isinasapuso ni Miguel ang kasabihang, “The less deserve more.”

Ilan kaya ang mga tulad ni Miguel na marunong mag-share ng kanilang blessings? Ronnie Carrasco III