Miguel Tanfelix, bet jowain si Ysabel Ortega!

Miguel Tanfelix, bet jowain si Ysabel Ortega!

December 8, 2021 @ 9:00 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Isa sa mga young actors natin ngayon na bihirang ma-link sa isang girl ay si Miguel Tanfelix. After kasing paghiwalayin sila ng dating kalabtim na si Bianca Umali ay wala nang nabalitaan na pinopormahan niya na girl.

Minsan ay na-link siya kay Kyline Alcantara pero fake news lang pala.

Tsikang muling nabuhay diumamo ang daloy ng dugo ni Miguel nang makasama sa isang serye ang magandang young actress na si Ysabel Ortega. Hindi rin naman ito naitago sa mga kasamahan nila sa “Voltes 5: The Legacy” na sina Matt Lozano at Radson Flores.

Sa isang programa ay natanong ng diretsahan si Miguel kung ano ang katangian ng isang babae ang pinakaayaw niya?

“Maarte!” ang maikli at diretsahang sagot ni Miguel.

At dahil na-link siya ngayon sa kasamahan niyang sa V5 na si Ysabel, para kay Miguel, totropahin o jojowain ba niya ang isang tulad ni Ysabel?

“Jowa type of person si Ysabel. Maayos dalhin ang sarili niya, professional sa work and may pangarap,” ang dagdag na say ni Miguel. Wally Peralta