Mikee, nag-throwback sa 2 aktor na nag-away!

Mikee, nag-throwback sa 2 aktor na nag-away!

November 9, 2022 @ 7:45 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Flattering sa sinumang babae ang masabihang mahaba ang buhok niya.

Idiomatic expression ‘yon na ang ibig sabihi’y maganda siya to the point na may mga lalaking nagkakandarapa sa kanya.

But did you know that even before this flattering expression came in vogue ay pinauso na ito ni Mikee Cojuangco?

In a recent interview by Pia Arcanghel ay nag-throwback ang equestrienne at dating aktibong aktres noong 21 years old pa lang siya.

Nagda-dub daw siya para sa isang pelikula nang magpang-abot doon ang dalawang aktor na may gusto sa kanya.

It was not a friendly encounter dahil nag-aaway raw ang dalawang aktor na ‘yon over her.

Hindi na tinukoy ng ngayo’y 48 anyos na misis ni incumbent Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski kung sino ang mga ‘yon.

Pero nilabas daw sila ni Mikee out of the dubbing facility at pinagsalitaan.

Aniya, “Alamn’yo, istorbo kayo!”

Paano naman daw kasi’y nagtatrabaho siya. Hindi raw siya makapag-concentrate.

Sinabi pa ni Mikee na kung interesado amg dalawang aktor na ‘yon sa kanya, magpakita muna ng respeto ang mga ito sa kanya.

All along pala’y aware na si Mikee na bet siya ng mga ito as she read it somewhere.

Itinawa lang niya ‘yon contrary sa inaasahan ng marami na ikakikilig niyang pinag-aagawan siya ng mga ito.

Diretsahan na rin daw sinabi ni Mikee sa kanila na hindi niya type sinuman sa dalawang aktor na ‘yon.

Obviously, Mikee ended up marrying Dodot in 1999.

They are blessed with three children.

Who says na ang equestrienne tulad ni Mikee ay mga kabayo lang ang inaatupag? Ronnie Carrasco III