MILF, pamahalaan tigil-putukan sa Basilan

MILF, pamahalaan tigil-putukan sa Basilan

November 10, 2022 @ 5:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Idineklara ang ceasefire sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng tropa ng pamahalaan sa Ungkaya Pukan, Basilan kasunod ng pagbisita ng Joint Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities (CCCH) sa probinsya nitong Huwebes, Nobyembre 10.

Kinumpirma ni B/Gen. Arturo Rojas, commander ng Western Mindanao Command, na nagtigil-putukan sa usapan ng GPH-MILF CCCH.

Sa ulat ng Wesmincom, umakyat na sa tatlo ang bilang ng nasawi sa panig ng pamahalaan samantala 12 naman ang nasugatan.

Kinukumpirma rin ang ulat na mayroon namang limang nasawi sa hanay ng MILF. RNT/JGC