Militar, NPA nagsagupaan sa Batangas!

Militar, NPA nagsagupaan sa Batangas!

October 6, 2022 @ 3:20 PM 2 months ago


ROSARIO, Batangas – Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong Miyerkules sa Barangay Calantas sa bayang ito.

Nagpapatrulya ang team mula sa 85th Infantry Battalion sa pamumuno ni Corporal Jacky Gabayno sa magubat na lugar nang makaengkwentro ang 15 NPA rebels bandang alas-9:20 ng umaga.

Nagbarilan ang dalawang panig sa loob ng 20 minuto subalit nakatakas ang mga rebelde.

Narekober naman ng mga sundalo ang a laptop, mga dokumento, at medical supplies.

Ipinag-utos na ni Batangas Police Provincial Office director Col. Pedro Soliba sa lokal na kapulisan nag magkasa ng checkpoints katuwang ang militar laban sa communist guerrillas sa Barangay Mayuro sa nasabing bayan.

Nakikipag-ugnayan na ang Rosario police sa mga ospital sa bayan upang matukoy kung dinala roon ang mga nasugatang rebelde.

Hinikayat naman ni Soliba ang mga residente na ipaalam sa mga pulis o militar  kung may impormasyon ukol sa mga kahina-hinalang indibidwal sa lugar. RNT/SA