Military base na pasukan ng suplay para sa Ukraine, pinasabugan ng missile

Military base na pasukan ng suplay para sa Ukraine, pinasabugan ng missile

March 14, 2022 @ 10:43 AM 4 months ago


KYIV – Pinaulanan ng tropang Ruso ng missile ang base militar ng Ukraine na pasukan ng mga armas galing sa North Atlantic Treaty Organization at United States para sa mga tropang Ukraine.

May namatay umanong 35 katao at nasugatang 134 iba pa at nasira ang ilang istruktura sa lugar na 10 kilometro lamang sa hangganan ng Ukraine at Poland.

Nito lamang Pebrero, may nakitang mga pwersang Amerikano sa base militar na tinawag na Center for Peacekeeping and Security sa Yavoriv, kasama ang mga sundalo ng NATO na nagbibigay ng mga pagsasanay-militar sa mga sundalong Ukraine.

Wala namang naiuulat kung may kasamang mga pwersang US at NATO sa mga namatay.

Nauna rito, sinabi ng Russia na bobombahin nito ang mga convoy ng mga dayuhang pwersa na nagdadala ng anomang armas para sa mga Ukrainian at ikinatwiran nitong lehitimong target ang mga ito sa digmaan. RNT