Military presence ng Canada sa WPS palalakasin

Military presence ng Canada sa WPS palalakasin

December 11, 2022 @ 12:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinakilala ng mga opisyal ng Canada sa isang virtual town hall na isinagawa ni Filipino Canadian Member of Parliament Rechie Valdez, sa harap ng Filipino community sa nasabing bansa ang plano kaugnay ng Indo-Pacific strategy ng nasabing bansa.

Sa plano, target ng Canada na mag-invest ng $2.3 bilyon sa susunod na limang taon sa Indo-Pacific kasama ang West Philippine Sea na maituturing na susunod na fastest growing region.

Kasabay nito ay palalakasin ng Canada ang kalakalan sa 40 Indo-Pacific countries at palalakasin din ang military presence nito sa rehiyon.

“That’s an operation for the military to have naval presence within the region consistently. And what this strategy does is actually even increase our presence. So [National Defence] Minister [Anita] Anand will be authorizing greater ships within the region,” sinabi ni Minister of International Development, Harjit Sarjjan, sa tinawag niyang ‘Operation Projection’.

Masusi rin na tinututukan ng Canada ang mga balita tungkol sa nagpapatuloy na territorial dispute sa West Philippine Sea, at tensyon ng China sa iba pang Indo-Pacific countries.

Sa kabila ng pagpapalakas ng military at naval presence ng bansa, siniguro ng Canada na isasama pa rin nila ang China sa usapan.

“We will never bully,” ani Parliamentary Secretary Rob Oliphant.

“What we will do is try to bring partners to the table to say these are our disputes that need to be solved diplomatically and can’t be done by aggression. And we are increasingly facing an aggressive China. It has always been that sense, but it is increasing and we’re following the South China Sea very closely.” RNT/JGC