Military reservist isasalang na rin kontra COVID

Military reservist isasalang na rin kontra COVID

August 3, 2020 @ 7:12 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isasalang na rin ang mga reservist na may medical background para tulungan ang mga medical worker para makontrol ang COVID-19, ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Ito ang anunsyo ni Lorenzana kasunod ng assumption ceremony sa bagong talagang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto nitong isalang ang mga military reservist sa laban kontra COVID-19 pero ipinanukala ni Lorenzana na yaon lamang may mga karanasan sa medisina.

“It will be good if we can bring them to active service so that they can help in the fight against COVID-19,” ani Lorenzana.

Sa kasalukuyan, mayroong 380 mga medical officer na reservist ang AFP dagdag pa ang 5,368 enlisted reservist personnel na may mga medical training.

Dagdag pa ni Lorenzana, nakipag-ugnayan na rin ito sa AFP headquarters na alamin kung sino sa mga indibidwal ang puwedeng isalang sa active duty.

Nilinaw naman ng kalihim na ang mga nasabing reservist ay kasalukuyan ng nagtatrabaho sa medical field at tumugulong sa laban kontra COVID-19.

Sakaling malaman na kung sino ang maaaring isalang ay ipapaalam ito kay Pangulong Duterte at gagawin na ang rekomendasyon. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...