8.42% vaccine wastage naitala ng DOH

August 15, 2022 @1:40 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong 8.42 porsyentong vaccine wastage hanggang Agosto 12.
“The Philippines reported 8.42% COVID-19 vaccine wastage as of August 12, 2022,” sabi ni officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Senate committee on health and demography hearing.
Ang nasabing porsyento ng vaccine wastage ay mas mababa sa 10 porsyentong indicative wastage rate ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Vergeire, ilan sa mga dahilan ng vaccine wastage ay ang expiration, operations-related issues kabilang ang mga bakuna na nabuksan ngunit hindi naiturok, spillage, broken vials, backflow, leftover underdose, at iba pa.
Binanggit din ng opisyal na mayroon ding masayang dahil sa kalamidad tulad ng bagong Odette noong 2021, sunog at lindol.
Mayroon ding mga bakuna na hindi nagamit dahil sa mga isyu sa pagkontrol sa temperatura.
Isinagawa ng Senate health and demography ang unang pagdinig upang talakayin ang pangkalahatang sitwasyon sa kalusugan sa bansa , COVID-19 situation, dengue situation, updates sa pagpapatupad sa Universal Health Care Law, pagpigil sa monkeypox, at pagbili at pagbibigay ng COVID-19 vaccines. Jocelyn Tabangcura-Domenden
2 babae arestado sa higit P3.4M shabu sa NCR

August 15, 2022 @1:27 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Arestado ang dalawang babae na responsable umano sa pagbebenta ng illegal na droga o shabu sa Metro Manila at kalapit na probinsya sa ikinasang buy-bust operation sa isang fastfood chain sa Sta. Cruz, Maynila.
.Kinilala ang mga naaresto na sina Ainnah Salgan, 64, at Norhanna Canapia, 19, kapwa nakatira sa San Miguel, Manila.
Sa ulat na ibinahagi ng Manila Police District-Public Information Office, aabot sa P3,450,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek sa may KFC fastfood chain na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila, Linggo ng hapon.
Pinangunahan ng mga tauhan ng PDEA RO III at PDEA Nueva Ecija PO lang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang babae sa pakikipag-ugnayan na rin sa MPD. Jocelyn Tabangcura-Domenden
ASEAN Para Games athletes, papupurihan sa Senado

August 15, 2022 @1:14 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Naghain ng isang resolusyon si Senador Jinggoy Estrada na naglalayong papurihan ang lahat ng Filipino para-athletes na nagtagumpay sa siyame na iba’t ibang sports sa naganap na 11th ASEAN Para Games (APG).
Layunin ng Senate Resolution No. 110 na papurihan ang mga atleta na nagwagi ng medalya sa kani-kanilang sports.
Isang delegasyon ng 144 atleta ang ipinadala ng bansa upang lumahok sa Solo, Indonesia mula July 26 hanggang Aug. 7. Umabot sa 80 atleta ang nakasungkit ng 104 medalya sa mga sumusunod na sports: archery, athletics, badminton, basketball, chess, judo, powerlifting, swimming, and table tennis.
Sa 104 medals, 28 ay ginto, 30 silver, at 46 bronze. Ipinanuwesto ng Pinoy athletes ang Pilipinas sa ika-5 place sa overall finish mula sa 11 lumahok na bansa.
“The perseverance, discipline, commitment to excellence, and sportsmanship they have shown during the regional meet and throughout the period of their preparation and training are exemplary values and attributes that the younger generation and all Filipinos could emulate,” ayon kay Estrada sa kanyang resolution.
“Their remarkable accomplishments and success in the international sports stage brought honor and pride to the nation, hence deserving of commendation and recognition from the Senate,” patuloy ng resolusyon.
“For a triumphant campaign and for delivering the country’s best performance in the biennial regional games, these athletes deserve a commendation from the Senate. We have every reason to be proud of them,” patapos ni Estrada. Ernie Reyes
Pinas ‘di pa handa sa same-sex union – Pimentel

August 15, 2022 @1:00 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Inihayag ni Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi pa handa ng Filipino na isabatas o magkaroon ng same-sex couple civil unions dahil maraming isyung moralidad.
Reaksiyon ito ni Pimentel nang ihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Bill No.449 o ang panukalang Civil Unions Act na naglalayong kilalanin ang civil union sa pagitan ng dalawangtao na may parehas o opposite sex upang maranasan nito ang karapatan, proteksiyon at pribelihiyo na itinakda sa panukala.
Aniya, ang intensiyon ng kasal ay para lamang sa lalaki at babae upang magtayo ng isang pamilya – ang basic unit ng lipunan.
“Alam ko naman na ang moralidad o norms ng lipunan nagbabago ‘yan overtime. So, tignan natin kung handa na ba ang Pilipinas dito. Ang aking pagbasa sa ating mga kababayan, number one, hindi pa tayo handa,” aniya sa interview.
“Number two, masisira ang ating understanding ng marriage kasi marriage po talaga ito. Bibigyan pa ng lisensya yata ‘yung mag o-officiate ng civil registrar…Halos lahat ng process ng marriage sinunod eh,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Pimentel na puwede naman simula ang diskusyon sa same-sex union o kasal pero dapat bigyang prayoridad kung anong panukala ang uunahing pagdebatehan sa gitna ng krisis sa ekonomiya at pagkain, isyu ng korapsiyon.
Iginiit pa niya na sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, same-sex couples ay maaaring protektahan ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng “partnership.”
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Padilla na bukas siya sa malayang talakayan at debate sa SB 499 dahil sasailalim naman ito sa tamang proseso kabilang pagdinig ng komite hanggang sa antas ng plenaryo sa Senado na kung saan papakinggan ang pabor o sumasalungat sa panukala.
“Bilang Senador ng buong bansa na kanilang pinagkatiwalaan na iboto rin at lapitan, kailangan ko ito aksyunan nang walang drama. Malinaw po sa aking mandato na wala akong pipiliin na panigan o pakinggan,” aniya.
Sinabi ni Padilla na bahagi ng ating demokrasya ang palitan ng ideyas kaya inimbitahan niya ang publiko na basahin muna ang nilalaman ng panukala sa halip na husgahan agad.
“Wala po silang intensyon na sagasaan ang anumang religion kaya’t ang kanilang mungkahi po ay civil hindi Simbahan–- an exercise of their democratic right to freedom of religion… right to equality, right against Exploitation,” aniya.
Hindi rin umano ito sumasalungat sa reminders ng ilang Muslim groups hinggil sa panukala.
“Sila po ang nakakaalam ng tama at mali sa ating pananampalataya. Kailanman man po hindi ko sasalungatin ang kanilang mga pahayag ng pagtutuwid. Bagkus nagpapasalamat po ako sa kanilang mga paalala, pahayag at dua Alhamdulillah jazakum allah khayran,” dagdag niya. Ernie Reyes
1 tusta sa sunog; 4 sugatan sa tumagilid na firetruck

August 15, 2022 @12:50 PM
Views:
22