Milk production, dagdag trabaho palalakasin ng Pinas, Qatar

Milk production, dagdag trabaho palalakasin ng Pinas, Qatar

February 15, 2022 @ 4:23 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Tinintahan ng Pilipinas ang USD500-milyong halaga ng integrated dairy facility matapos na selyuhan ang partnership nito sa Baladna Qatar Public Shareholding Company (QPSC).

Ang proyekto ay maaaring makapagpataas ng local milk production ng 120 milyong litro mula sa kasalukuyang 26.71 milyong litro para tugunan ang local demand at bumaba ang pag-angkat.

“The investments will be able to generate 2,000 new jobs during the initial phase of its first full year of operations, providing significant opportunities for domestic employment,” ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa isang kalatas.

Ibinahagi ng DA ang detalye ng kasunduan na tinintahan sa Dubai, United Arab Emirates noong Pebrero 11 nina Trade Secretary Ramon Lopez at Baladna QPSC independent board member Aidan Tynan.

Ang Baladna QPSC ay nasa larangan ng pagpapalaki ng mga hayop at produksyon ng dairy products, kabilang na ang gatas, yogurt, cheese, at labneh (cheese na gawa sa strained yogurt), at maging sa animal fertilizers.

Ang nasabing kompanya ay itinuturing na “largest locally owned food and dairy producer ng Qatar kung saan ay nagsu-suplay ng mahigit na 95% ng sariwang dairy products sa bansa

Samantala, sinabi ni Dar na handa ang Qatar firm na suportahan ang Philippine government para iangat ang playing field at foster domestic dairy production.

“DA has already identified five possible locations for the Baladna project and will welcome the Baladna team in the next few weeks for the site visits,” ayon kay Dar. Kris Jose