Milyun-milyong bata, nakararanas ng malnutrisyon sa El Niño

Milyun-milyong bata, nakararanas ng malnutrisyon sa El Niño

October 13, 2021 @ 8:41 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Milyun-milyong mga bata ang nakararanas ng malnutrisyon at nasasadlak sa mahabang panahon ng isyung pangkalusugan dahil sa El Niño.

Ang El Niño ay isang periodic event na nangyayari kada ilang taon kung saan umiinit ang Karagatang Pasipiko na nagreresulta ng malalakas na pag-ulan sa ilang rehiyon habang tagtuyot naman sa iba.

Pinag-aralan ng mga researcher mula sa Amerika ang 40 taong datos ng mahigit isang milyong bata sa lahat ng developing country regions at ikinumpara ang timbang nila noong panahon ng El Niño sa panahong walang El Niño.

Nadiskubre nila na sa mas mainit at tuyot na El Niño, tumaas ang childhood malnutrition sa buong tropiko –– ang bahagi ng mundo kung saan 20% ng mga bata ay sadyang lubhang kulang na sa timbang.

Nakalathala rin sa journal na Nature Communications na nakita ng team ang pagtaas ng childhood malnutrition sa isang tipikal na El Niño event na tatlong beses na mas mataas sa nasaksihan nila sa panahon ng coronavirus pandemic.

“It would have been very difficult to prepare the world for a pandemic that few saw coming,” sabi ng co-author na si Amir Jina ng Harris School of Public Policy.

“But we can’t say the same about El Niño events that have a potentially much greater impact on the long-term growth and health of children.”

Noong 2015, kung saan matindi ang El Niño, karagdagang anim na milyong mga bata rin ang nakaranas ng malnutrisyon.

Pero dahil natutukoy naman ang El Niño anim na buwan bago ito tumama, nanawagan ang mga author sa gobyerno na isama ang El Niño sa kanilang humanitarian plans.

“These are routine events in the climate that lead to real tragedy around the world,” saad ni Jesse Anttila-Hughes ng University of San Francisco.

“But the fact that we live through an El Niño every few years, we know they’re coming, and we still don’t act is a bad sign since many of these climate shifts,” dagdag niya. RNT


  •  
  •  
  •