MIM 2 at People Power movie, posibleng magtapat sa 2023!

MIM 2 at People Power movie, posibleng magtapat sa 2023!

November 1, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Gumiling na ang mga kamera sa shoot ng Oras de Peligro.

Mula sa direksyon ni Joel Lamangan, iikot ang kuwento nito sa mapayapang Edsa People Power Revolution na nagpatalsik sa 20 taon ng rehimeng Marcos.

Ayon kay direk Joel, walang gaganap na Ferdinand Marcos o Cory Aquino sa pelikula dahil may video component ito.

Nilinaw din niya na hindi ito sagot sa Maid in Malacañang ni Darryl Yap.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawang direktor nang ipalabas ang MIM ng Viva Films.

Speaking of MIM, kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na magkakaroon ito ng Part 2.

Ruffa played Imelda Marcos in MIM na tumatalakay sa huling 72 hours ng pamilya Marcos bago ang kanilang exile sa Hawaii.

Umoo na si Ruffa sa aniya’y podibleng shooting start nito sa kalagitnaan ng November.

Ang alam lang daw ng aktres ay may project sila nina Cesar Montano at Diego Loyzaga sa Hawaii.

In the first part of MIM, si Cesar ang gumanap bilang Marcos Sr. while Diego played Bongbong.

Target nito ang 2023 playdate na posible ring playdate ng Oras de Peligro.

Sometime in February next year malamang na maipalabas ang dalawang pelikula.

Kung ganoon, kaabang-abang ang salpukan ng mga pelikulang ito sa takilya!

Not only is this a box office head-on collision between two movies, laban din ito ng dalawang direktor na may salungat na ideyolohiya sa pulitika! Ronnie Carrasco III