MIMAROPA, Bicol, Visayas uulanin sa namumuong bagyo
July 14, 2021 @ 7:00 AM
1 year ago
Views:
315
Remate Online2021-07-14T06:54:34+08:00
MANILA, Philippines – Namataan ang isang namumuong bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa layong 20 kilometro east northeast ng Catarman, Northern Samar, ayon sa PAGASA, Miyerkoles.
Dahil dito, apektado ang MIMAROPA, Bicol Region at Visayas na makararanas ng kalat-kalat nap ag-ulan at pagkidlat bunsod ng LPA.
Posible naman ang rumaragasang baha at pagguho ng lupa sa katamtaman hanggang malakas nap ag-ulan, babala pa ng PAGASA.
Sa kabilang banda, magiging maulap naman ang panahon sa Metro Manila. Posible ang isolated rainshower o thunderstorm dahil naman sa localized thunderstorm. RNT
August 16, 2022 @3:14 PM
Views:
1
MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ang pagbili ng non-common use supplies and equipment (Non-CSE) para sa mga ahensiya ng gobyerno “until further notice.”
“I issued a directive suspending the procurement of non-common use supplies and equipment, effective immediately,” ayon kay PS-DBM Executive Director Dennis Santiago sa isang kalatas.
Malinaw na ang ibig sabihin nito ay hindi tatanggap ang PS-DBM ng kahit na anunang requests para sa Non-CSE procurement “until further notice.”
“This will allow us to focus on the fulfillment of our primary mandate, which is to procure CSEs,” ayon kay Santiago.
Ang PS-DBM ay may mandato na “to procure common-use office supplies, materials, and equipment such as, but not limited to, ballpens, papers, stapler, paper clips, folders, and the like for all government agencies.”
“Tatapusin na lamang po ‘yung procurement ng mga non-CSE na ongoing o nasa pipeline na hanggang sa sila’y makumpleto. Pero hanggang doon na lang po iyon. Pagkatapos noon, wala na. Lahat ng procurement, CSE na lang,” ang pahayag ni Santiago.
Ang suspension ng pagbili ng NCSE ay kasunod at sa gitna ng kontrobersiya na bumabalot sa Department of Education (DepEd) hinggil sa di umano’y overpriced at outdated laptops na binili para sa mga guro. Kris Jose
August 16, 2022 @3:00 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Muling ipinanawagan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapasa ng kanyang panukala na pagtatayo ng evacuation center sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong bansa.
Sa ambush interview matapos personal na magbigay ng tulong sa mga nasunugan sa Bacoor City, Cavite noong Linggo, sinabi ni Go na isinampa niya muli ang panukalang batas sa 19th Congress bilang isa sa kanyang priority measures na tutugon sa kahinaan ng Pilipinas sa mga epekto ng pagbabago ng klima at iba pang natural o sakuna na dulot ng tao.
“Meron na po akong nai-file sa Senado. Itong mandatory evacuation center. Itong Senate Bill 193. Na-i-file ko po noong July. Alam n’yo, kailangan po natin ng maaayos na evacuation center, malilinis na evacuation center sa mga siyudad, probinsya at munisipyo,” ani Go.
“Tignan n’yo po ngayon, eh, kung wala silang maayos na evacuation center, nagagamit po ang eskwelahan. Eh, kung gagamitin na po ito sa pagbubukas ng eskwela, masasakripisyo po ang pag-aaral kung gagamitin po bilang evacuation center,” dagdag niya.
Sa ilalim ng iminungkahing “Mandatory Evacuation Center Act of 2022”, ang pagtatayo ng mga evacuation center sa lahat ng lokalidad ay iimplementa ng Department of Public Works and Highways, mga kinauukulang yunit ng pamahalaang lokal, at iba pang ahensya.
Ang panukalang batas ay nangangailangan ng minimum requirements sa bawat evacuation center, kabilang ang lokasyon, istruktura o kapasidad ng gusali, at amenities and accessibility.
Ang mga iminungkahing mandatory evacuation center ay dapat nakadisenyog kakayanin ang mga super typhoon o bilis ng hangin na hindi bababa sa 300 kilometro bawat oras at aktibidad ng seismic na hindi bababa sa 8.0 magnitude.
Dapat din, anang senador, ay maayos at malinis ang evacuation center kung saan pwedeng makapagpahinga ang mga bata, may sanitation, comfort room, at komportableng higaan bago makauwi sa kanilang tirahan ang mga bakwit.
Bukod dito, naghain din si Go ng SBN 188 na naglalayong magtatag ng isang Department of Disaster Resilience, isang highly specialized agency na may tungkuling tiyakin ang adaptive, disaster-resilient at ligtas na mga komunidad; at SBN 192 na nagtatadhana para sa pagbuo ng isang programa sa pabahay at panlipunang proteksyon na magbibigay sa mga biktima ng sakuna.
“Meron din po akong nai-file sa Senado, itong Rental Subsidy Bill kung saan bibigyan sila ng kalahating halaga ng renta na habang hindi pa sila nakakauwi sa kanilang mga pamamahay. Sana po ay maisabatas po ito dahil mahirap nga pong masunugan,” ani Go.
Tiniyak ni Go na patuloy niyang isusulong ang mas maraming people-centered at service-oriented na batas, gayundin ng mga hakbang na magsusulong ng pambansang katatagan.
“Nag-file ako ng aking unang 20 bill para sa 19th Congress. Ang iba ay nai-refile ko na po mula sa 18th Congress. Ang aking mga nai-file po ay para maging more resilient tayo… ang overall objective ng mga bill na ito is to be more resilient and more adaptable,” ani Go. RNT
August 16, 2022 @2:48 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Dumipensa si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., nitong Lunes sa kanyang utos na balasahin ang mahigit 80 ranking police officials, kabilang na ang three top posts ng command group ng pwersa.
“I think it’s not the first time because during the time of no less than our guest si (former PNP chief and former Senator) Gen. (Panfilo) Lacson, minove pa nga niya si Gen. Larry Mendoza noon. So it is not the first time that It happened. Ganun din nung time ni Gen. Bato (Ronald Dela Rosa now a senator) wherein si General Magalong who was with DIDM (Directorate for Investigation and Detective Management) was elevated to DCO (deputy chief for operations ). Actually this is part of ‘yung sinasabi ko rin, I had my inaugural speech that we need to have a policy flexibility. Ibig sabihin kailangan ay pag-aralan natin what is best for the organization,” pahayag ni Azurin matapos ang flag ceremony.
Pinangalanan ni Azurin si Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo bilang bagong deputy chief for administration, second-highest official ng PNP, na pumalit kay Lt. Gen. Rhodel Sermonia, na na-reassign bilang chief of the Area Police Command (APC) sa Visayas.
“General Sermonia is well known as a good organizer, as a good advocate in organizing and mobilizing the community. And nakikita naman natin on record kung saan isa isa pinapatay ang ating pulis sa Samar. So I think we need somebody there to organize and bring awareness to all the different barangays in the Visayas region, na pagtulong tulungan natin itong problema natin insurgency. So ‘yun ‘yung reason that’s why I requested siya mag)move,” sabi ni Azurin.
Samantala, si Maj. Gen. Benjamin Santos naman ang bagong deputy chief for operations o ang number three man ng PNP.
Pinalitan niya si Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na itinalagang pinuno ng APC Western Mindanao; habang si Maj. Gen. Arthur Bisnar ay umalis sa kanyang pwesto bilang chief of the Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) upang magsilbing chief of the directorial staff, ang fourth top post ng organisasyon, kapalit ni Malayo.
“On the part of Vic (Danao) I told them we have problems right now because of the implementation of Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) .’Yung mga transition members last Friday took oath as members of parliament. So we need the competency and expertise ng ating mga kasamahan dito unlike if they are only here,” sabi ni Azurin.
Inilahad ni Azurin na nais niyang makipagdayalogo sa National Police Commission (Napolcom) upang ipaliwanag ang reorganization ng mga opisyal sa ilang key positions.
Matatandaang naglabas ang Napolcom ng isang resolusyon na nagre-require ng pagsusumite ng listahan ng third-level officials bago sila bigyan ng posisyon.
“We have to iron out ‘yung differences namin ng Napolcom. And I respect that particular Napolcom memorandum circular,” sabi ni Azurin .
Sa ilalim ng Napolcom memorandum circular 2019-001, nakasaad dito na ang Director for Personnel and Records Management ay kinakailangan munang mag-cause ng publication ng vacant at soon-to-be-vacant positions maging listahan ng eligible officers para sa mga posisyon.
Nakasaad pa sa publication na “any officer who is not included in the said list may not be designated to any of the third level positions in the PNP.”
“So we have to practice that’s why we have to talk it out how we can best deliver the intention of Napolcom and the intention of the PNP so that we don’t wait for what we want to happen in the PNP organization,” aniya.
Binanggit din ni Azurin na pinayagan siya ni dating Napolcom vice chairperson Rogelio Casurao na magpasa ng mga dokumento kahit huli na. Subalit, pumanaw ang huli noong Enero 2021. RNT/SA
August 16, 2022 @2:39 PM
Views:
15
MANILA, Philippines – Tuloy ang programa ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) sa pagdaraos ng mga aktibidad na sisimulan sa gaganaping 2nd leg ng Reunion Swim Challenge sa Agosto 27-28 sa Teofilo Ildefonso Swimming Pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Sinabi ni Batangas Congressman Eric Buhain na ang torneo ay bukas sa lahat ng Filipino, teams o clubs anuman ang kinaaanibang asosasyon bilang pagpapatibay sa nasimulang misyon na mapagkaisa ang lahat sa iisang adhikain sa swimming community.
“Regardless of your affiliation COPA welcomes everybody with an open arms. Isa lang naman ang interest natin at gusto nating mangyari ito’y ang yumabong ang swimming. We have to train the trainers and the development and improvement of our swimmers followed,” pahayag ni swimming icon at bagong halal na Congressman ng unang Distrito ng Batangas..
“After more than two years of inaction due to pandemic, finally our young swimmers can now go back to the pool, enjoy the action once again and resumed the clubs grassroots sports development program. Importante, malaman na ng mga swimmers na balik na at puwede na ang kompetisyon,” aniya.
Ang swimming Olympian at dating SEA Games record holder ay kabilang sa bumuo ng COPA kasama sina Chito Rivera, Darren Evangelista, Joel Esquivel at Richard Luna noong 2020. Ngayon, ang grupo ay may mahigit sa 200 teams/clubs sa 11 clusters na binubuo ng 17 rehiyon sa bansa. Mayroon itong kabuuang 300 miyembrong coach at 3,500 sanctioned swimmers.
Bukod sa Reunion Swim Challenge, ang COPA ay magsasagawa rin ng 1st Novice Swim Championship na nakatakda sa Setyembre 17-18; ang Reunion 3rd leg sa Oktubre 1-2; ang Reunion Swim Challenge Championship sa Oktubre 22-23; Sprint meet na may pagpapakilala sa SKINS Swim event (Nob. 12-13); at Short Course Yuletide Swimming Championship (Dis. 10-11).
Sinabi ni COPA National Training Director at Olympian (1972 Munich) Carlos ‘Pinky’ Brosas na nakalinya rin isagawa ang coaching seminar sa Enero sa susunod na taon sa limang lokasyon – Northern Luzon, NCR, Southern Luzon, Visayas at Mindanao – na pangungunahan ng bantog na Australian coach na si Wayne Goldsmith bilang tagapagsalita.
Nagpaplano rin ang COPA ng pakikipagtulungan sa mga local government units (LGUs) at Department of Education (DepEd) para maisama sa aktibidad ng mga mag-aaral sa Pampublikong paaralan ang sports sa pamamagitan ng ‘Train the Trainers Program’ para sa mga guro.
“Mayroong 27 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan sa bansa. May mga pasilidad naman ang ating mga LGUs, napakalaki ng ating komunidad na sumusunod ng talento. Libre ang training, libre and competition, gagawin natin ang lahat para masiguro na makakalikha tayo ng world-class and many more swimming Olympians,” ani Buhain.JC
August 16, 2022 @2:34 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Ipinaliwanag ng nagbitiw na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang desisyon niya na lumagda sa order na pumapayag sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
“I signed the document based on the data presented to me, based on the data presented by the Sugar Regulatory Administration. There is a clear indication of the rapidly diminishing supply of sugar,” aniya sa briefing kasama ang mga mambabatas.
Nagsagawa nitong Lunes ang mga komite sa good government and public accountability, at agriculture and food ng Kamara ng briefing kasama ang mga opisyal na sangkot sa sugar importation mess.
Nagbitiw si Sebastian sa pwesto matapos sabihin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang Sugar Order No. 4 ay iligal na nilagdaan, dahil hindi awtorisado ang dating agriculture official na pumirma sa dokumento para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., wna siya ring Agriculture secretary.
“Current supply is projected to run out in August 2022, this month, and end of crop year 2021-2022,” sabi ni Sebastian said.
Batay sa datos mula sa SRA, Philippine Statistics Authority, National Economic and Development Authority, at sa United States Department of Agriculture, ang average annual shortage supply ng asukal mula 2015 hanggang 2019 ay nasa halos 530,000 metric tons, na binubuo ng average annual deficit na 203,000 MT para sa raw sugar at 332,000 metric tons para sa refined sugar, aniya.
Maiuugnay umano ang yearly deficit sa small farm productivity, small farm sizes, at low sugar milling efficiency. Para sa taong ito, makaaapekto rin ang bagyong Odette at ang pagtaas ng presyo ng fertilizer sa sugar production, base kay Sebastian.
“I cannot stand watching Filipinos suffer from high local prices of sugar that are hurting Filipino consumers,” ayon sa ex-DA official.
Sa kabila ng kanyang intensyon, agad na nagbitiw sa pwesto si Sebastian nang malaman umano niyang hindi ikinatuwa ng Pangulo ang kanyang naging aksyon.
“It has been clear that my actions were not in keeping with administration’s desired direction for the sugar industry,” pahayag niya.
Sa parehong hearing, inihayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura President Rosendo So ang pagkadismaya kay Sebastian sa hindi pagbibigay-alam sa chief executive ukol sa pagpirma niya sa SO no. 4.
“Sa tingin namin may tinatago and dapat malaman natin,” sabi niya.
Sa kasalukuyan, nagbitiw na sa pwesto sina Sebastian at si millers’ representative Atty. Roland Beltran kasunod ng kontrobersiya.
Nananawagan naman ang mga mambabatas na magbitiw na rin sa pwesto ang iba pang opisyal na lumagda sa resolusyon “out of delicadeza.”
Nakatakda ang isa pang House hearing sa Huwebes. RNT/SA