Mindanao at Muslim, bida sa SONA attire ni Padilla; Risa nakasuot ng modernong baro’t saya

Mindanao at Muslim, bida sa SONA attire ni Padilla; Risa nakasuot ng modernong baro’t saya

July 25, 2022 @ 2:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kulturang Mindanao at Muslim ang bida sa bihis ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla sa kanyang pagdalo sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Gawa sa telang Inaul na gawa ng mga Maranao ng Mindanao ang damit ni Padilla, na ang Muslim na pangalan ay Abdul Aziz.

Ang berdeng kulay ng damit – na likha ni Francis Libiran – ay sumisimbolo sa buhay, ayon kay Padilla.

“This ensemble is a celebration of our culture and rich heritage,” dagdag ng mambabatas.

Pinagsama sa pananamit ni Padilla ang kultura, tradisyon at modernong sining – para ipakita ang kahusayan at kakisigan ng Pilipino.

Ito ang unang pagkakataon na dadaluhin si Padilla sa SONA bilang mambabatas. Nag-Number 1 si Padilla sa nakaraang eleksyon sa pagkasenador noong Mayo 9.

Samantala, isang modernong pagkatahi na baro’t saya ang suot ni Senador Risa Hontiveros sa pagbubukas ng 19th Congress sa Senado na pawang gaw sa Aklan Pina fabric at may hande-embroidered mula sa Lumban, Laguna.

Sinamahan ng senado ang kanyang barong hand-woven na Tikog bag mula sa Samar at isang pares ng Marikina-made pumps. Si Joel Acebuche ang nagdesenyo. Ernie Reyes