Minecraft gagamitin ng DepEd pang-edukasyon

Minecraft gagamitin ng DepEd pang-edukasyon

March 22, 2022 @ 12:48 PM 3 months ago


MANILA – Ibang lebel ng pagkakatuto ang dulot ng android mobile sa pagsusulong ng Department of Education (DepEd) sa mga guro at mag-aaral nagamitin ang studying-while-gaming method, gamit ang Minecraft: Education Edition (M:EE).

Ito ay isang mobile application na inilunsad noong Marso 16 sa pakikipagtulungan sa Microsoft Philippines na layuning paigtingin ang in game-based learning sa bansa.

Ibinahagi naman ni Jhunar Mondejar, 34, isang guro, na epektibo umano ang Minecraft bilang learning tool na ginagamit din niya.

“Last year, we just started to adopt the M:EE as a learning tool. Students were really happy to see and use it. In our modern era, students would like to explore other activities that will gain their learning with games,” aniya.

Bagama’t sa una ay may ilang hamon ang paggamit ng naturang aplikasyon, nilinaw niya na naayos na ito, at malaki ang naitutulong sa online distance learning.

“First, there was, upon logging using student’s DepEd email, and glitches from the M:EE, while on our activities, like some of them can’t join because of restrictions on having 3-5 learners to join the group on M:EE. And another thing, it was only intended for computers, laptops, and desktops, but now, they can use it on their android phones,” paliwanag niya.

Nagpalabas naman ang DepEd noong Marso 19 ng tatlong mga hakbang sa madaling paggamit ng M:EE.

Pwede itong i-download sa Google PlayStore. Matapos ma-download, maaaring mag-sign in gamit ang  DepEd Microsoft 365 accounts at doon na mabubuksan ang mga inihandang laro upang matuto. RNT/SA