Minero patay sa gumuhong kweba sa Kalinga

Minero patay sa gumuhong kweba sa Kalinga

December 5, 2022 @ 5:33 PM 2 months ago


KALINGA – Patay ang isang small-scale miner sa probinsya ng Kalinga matapos na matabunan ito ng gumuhong kweba nitong Linggo, Disyembre 4.

Ayon kay Major Garry Gayamos, police chief ng bayan ng Pasil sa nasabing probinsya, ang biktima ay kinilalang si Milnar Bag-ayan.

Nalibing umano ito sa debris ng gumuhong kweba pasado ala-6 ng umaga.

Sa impormasyon, sinabi ni Gayamos na natagpuan ng mga emergency responders ang katawan ni Bag-ayan ilang oras makalipas ang nangyaring pagguho ngunit hindi na naabutan pang buhay ang biktima.

Dinala na ng mga awtoridad ang bangkay ni Bag-ayan sa kanilang lugar sa Barangay Galdang ng nasabing bayan. RNT/JGC