Minero patay sa gumuhong minahan

Minero patay sa gumuhong minahan

December 7, 2022 @ 11:23 AM 2 months ago


PASIL, Kalinga- Hindi na nakalabas pa ng buhay ang isang minero sa loob ng minahan makaraan gumuho noong Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35-anyos, binata at residente ng Barangay Galdang Pasil, Kalinga.

Batay sa report Pasil Municipal Police Station, nagmimina ang biktima kasama ang iba pa sa loob ng Minahang Bayan, noon Linggo.

Paniniwala ng mga awtoridad posibleng na-trap ang biktima sa loob ng minahan at nahulugan ito ng malaking bato na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Kwento ng mga kasama ng biktima, tinangka pa nila itong tulungan subalit nakita na lamang nilang wala na itong buhay kaya agad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari./Mary Anne Sapico