Mini dump truck shoot sa bangin, 10 sugatan

Mini dump truck shoot sa bangin, 10 sugatan

April 11, 2022 @ 10:34 AM 3 months ago


KALINGA-  Sugatan ang sampung indibidwal matapos na mahulog ang sinasakyan nilang mini dump truck sa bangin sa Tabuk City, Kalinga ng lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Martin Macad Lagui-ao, 39, may asawa, drayber ng naturang sasakyan; Carolina A. Panao, 18; Jennifer A. Maggongoy, 44; Arnold Wattok Alunday, 35; Deniel B. Ongat, 34; Libbau A, Banao, 49; Sabog T. Gawang, 28; Roben A. Pangsiw, 33; Rodel A. Pangsiw, 25; at isang 14-anyos na babae; pawang mga residente ng Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Nabatid na  bumibiyahe sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga road  ang mini dump truck papuntang Tinglayan, Kalinga nang aksidente itong mahulog sa bangin na may lalim na apat na metro.

Agad namang nadala sa ospital ang mga biktima.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon  ng mga otoridad para alamin ang rason kung bakit bigla na lang dumeretso sa bangin ang sasakyan. Rolando S. Gamoso