Minimum internet speed ng mga telcos oobligahin gawing 65mbps

Minimum internet speed ng mga telcos oobligahin gawing 65mbps

September 19, 2022 @ 5:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa harap ng mga reklamo sa mabagal na internet connection, isang panukala ang inihain sa Kamara ni Batangas Rep Ralph Recto na magoobliga sa mga telecommunication companies na gawing 65mpbs ang minimum speed ng internet.

Layon ng House bill 2567 o Bilis Konek Act ni Recto na maiwasan na ang walang katapusang mga reklamo ng mga subscriber ukol sa putol putol na internet connection, sa ilalim ng panukala ay 65-MBPS ang magiging minimum standard para sa internet connection speed sa fixed wireless broadband habang ang mobile broadband ay dapat nasa minimum 30-MBPS.

Sinabi ni Recto na hindi kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa internet speed kung ikukumpara sa ibang bansa sa kabila na ang Pilipinas ay binansagang “world’s heaviest internet users” base sa Digital 2022 April Statshot Report.

Aniya, nasa 10 oras ang ginugugol ng mga Pinoy sa internet na malayo kumpara sa worldwide average na 6 oras kaya dapat lamang na nakapagbibigay ng magandang serbisyo ang mga telecoms.

Sa oras na maisabatas, kapag hindi makatugon sa nasabing minimum interner speed ay maaaring pagmultahin ng P200,000 hanggang P2 milyon. Gail Mendoza